Si sir Third nagkekemikal ng Lifeboat.

Hi guys, tingnan nyo ung third officer namin na napakalupet.. Kinekemikal nya ung buong lifeboat namin, port at startboard side ... Alam nyo kung bakit? nag karga kasi kami ng semento at hindi namin nalagyan ng lona yung mga lifeboat namin nun which is ang result ay namuti muti yung lifeboat namin..

Yung kemikal pala na ginamit dito at muriatic acid at napakatapang talaga kaya talagang nag susuot kami neto tuwing nag aapply kami.. lalo sa mga cargo holds.. may mga nakasama nga ko na AB na nasunog talaga ung balat nila at laman dahil sa kemikal at talagang kitang kita yung naiwan na scar sa mga kamay nila...

Napakadelikado mag apply netong kemikal na to promise kaya dapat doble ingat ka.. Minsan nga napapatanung na din ako sa sarili ko na, bat kaya pinasok ko to, napakadedelikado pala ng mga ginagawa dito ahaha sa eskwelehan di naman tinuro yung mga to.. Pero ganun talaga dahil nga kailangan din natin suportahan ang mga pamilya natin. Natututo tayo mag adjust kahit napakahirap nun mga pinag gagawa natin.
Mahirap na masarap ung pagbabarko ko...

Nasa sa atin nalang talaga..

Patatagan din ng isip at puso..

Comments

  1. At sea kami nyan at kailangan doble safety dapat at may kasama :)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

COC/COE For Marine Passer of OIC NW/EW

Loading ng steel coils sa Japan (Royal Harmony)

Stormy Weather miles from us