Loading ng steel coils sa Japan (Royal Harmony)

Sa mga pictures guys, makikita nyo naman na magloloading kami ng steel coils.. Bale nasa Kashima,Japan pala kami neto at inabot kami ng 10 days para iloading to.. Di naman humihinto loading dahil sa ulan at lagi lang naka-open bodega namin sa 10 days na yun... Kita nyo naman na kinalawang na ung mga steel coils diba, di kasi talaga nag sasara ng bodega nun.


Yung mga stevedores na Japanese talagang dekalidad sa pag-gawa o paglalagay nung mga steel coils.
Ingat na ingat sila na hindi sana ma-damage yung mga coils at lalo na ung barko namin... kasi nga ung weight ng steel coils ay masyadong concentrated sa isang lugar di tulad ng grains or ung mga dirty cargoes..
Lastly guys, napakalinis talaga sa Japan pati mga pwerto nila at safety talaga palagi ang inuuna..

Makwento kulang guys, alam nyo ba nung nag discharge kami sa Mumbai, India.. Inabot lang kami ng isang araw para idischarge ung dalawang bodega ng steel coils.. Wala nga atang isang araw yun eh.. Napakabilis lang pala idischarge neto..
Ayun lang salamat sa pagbabasa guyss :)

Comments

  1. Talagang maingat sa pagloloading neto guys.. Ingat na ingat na hindi mayupi tanktop ng mga bodega kundi disgrasya yun.. Malaking problema sa ship owners yun at siguradong malaking gastos din.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

COC/COE For Marine Passer of OIC NW/EW

Stormy Weather miles from us