Ako..sa ngayon..at sa mga susunod na taon...

Mga kabaro ahaha ayos ba..
O.S. ako ngayon. 2020 balik 2014 palang nakasampa nako .. 
Baliwag Maritime Academy ung pinanggalingan kong eskwelahan..
Ang plano ko gawing way yung pagbabarko para mabilis na makawala sa kahirapan..
Hindi naman sobrang hirap yung buhay namin.. gusto ko lang mag karoon pa ng mas
komportable at maayos na buhay... Tao lang tayo nag hahangad ng mas maganda para
sa kinabukasan..

Pero hindi tayo habang buhay mag babarko.. minsan nalulungkot ako pag tinitingnan ko at inoobserbahan ko yung mga kasama ko na matanda na talaga pero nag babarko pa rin.. I mean need ba talaga na mangyare sakin yun na mag tagal sa barko kagaya nila.. Puputi na buhok ko at makakalbo na pero nasa barko pa rin,.. Pero hindi ko sinasabi na hindi sila successful ha.. Alam kong magkakaiba kami ng pagkakaintindi sa salitang successful..

Pero lahat tayo gusto maging successful... Gsto ko lang naman maging successful para di na ko palaging nasa barko at hindi na mawalay sa mga minamahal. sa magiging asawa at mga anak din.
Mas masarap sa pakiramdam ung nabibigay mo ung needs and wants nila kahit nasa lupa ka.. Kaysa nabibigay mo nga ung needs and wants nila pero di mo naman sila kasama.. Gsto every occassion nandun ako, every celebrations.. Alam ko sa una kailangan mag sacrifice.. Pero sa huli masusuklian din mga sakripisyo natin..
 

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

COC/COE For Marine Passer of OIC NW/EW

Stormy Weather miles from us

Loading ng steel coils sa Japan (Royal Harmony)