Posts

Showing posts from 2020

Pag-graduate sa akademya.. Baliwag Maritime Academy

Image
Just wanna share may graduation picture with nanay. Tagal na din bago ko to ma-share at dito lang mismo sa blog. Proud din sya na nakagraduate me. Siguro sya nalang representative ni Papa kasi nasa barko sya nung grumaduate ako. Meet my brother. Panganay ako at sya naman ung sumunod sakin. Malupet yan ahaha saka graduate na din ng Computer Science. Masaya na ko na makagraduate sya at nandito lang ako kung kailangan nya ng suporta at advice. Isa sa pangarap ko na magin successful kaming mag kakapatid sa buhay. At syempre masaya.   Let me introduce you my sister. My one and only sistaaaa. Ganda nu, mana-sakagwapuhan ng kuya ahaha..  Graduate na rin sya kagaya nung sumunod sakin at ayos naman din. Wish ko lang din na sana maging successful sya sa buhay.  Tulungan kaming magkakapatid para maging masagana  mga magiging buhay namin. Yung katabi sa taas pala bunso ahahah..   Bunso nga pala namin, maliit pa sya nyan pero ngayon eh Junior High na at dahil sa lockdown aral aral muna sya sa baha

Ako..sa ngayon..at sa mga susunod na taon...

Image
Mga kabaro ahaha ayos ba.. O.S. ako ngayon. 2020 balik 2014 palang nakasampa nako ..  Baliwag Maritime Academy ung pinanggalingan kong eskwelahan.. Ang plano ko gawing way yung pagbabarko para mabilis na makawala sa kahirapan.. Hindi naman sobrang hirap yung buhay namin.. gusto ko lang mag karoon pa ng mas komportable at maayos na buhay... Tao lang tayo nag hahangad ng mas maganda para sa kinabukasan.. Pero hindi tayo habang buhay mag babarko.. minsan nalulungkot ako pag tinitingnan ko at inoobserbahan ko yung mga kasama ko na matanda na talaga pero nag babarko pa rin.. I mean need ba talaga na mangyare sakin yun na mag tagal sa barko kagaya nila.. Puputi na buhok ko at makakalbo na pero nasa barko pa rin,.. Pero hindi ko sinasabi na hindi sila successful ha.. Alam kong magkakaiba kami ng pagkakaintindi sa salitang successful.. Pero lahat tayo gusto maging successful... Gsto ko lang naman maging successful para di na ko palaging nasa barko at hindi na mawalay sa mga minamahal. sa magi

Si sir Third nagkekemikal ng Lifeboat.

Image
Hi guys, tingnan nyo ung third officer namin na napakalupet.. Kinekemikal nya ung buong lifeboat namin, port at startboard side ... Alam nyo kung bakit? nag karga kasi kami ng semento at hindi namin nalagyan ng lona yung mga lifeboat namin nun which is ang result ay namuti muti yung lifeboat namin.. Yung kemikal pala na ginamit dito at muriatic acid at napakatapang talaga kaya talagang nag susuot kami neto tuwing nag aapply kami.. lalo sa mga cargo holds.. may mga nakasama nga ko na AB na nasunog talaga ung balat nila at laman dahil sa kemikal at talagang kitang kita yung naiwan na scar sa mga kamay nila... Napakadelikado mag apply netong kemikal na to promise kaya dapat doble ingat ka.. Minsan nga napapatanung na din ako sa sarili ko na, bat kaya pinasok ko to, napakadedelikado pala ng mga ginagawa dito ahaha sa eskwelehan di naman tinuro yung mga to.. Pero ganun talaga dahil nga kailangan din natin suportahan ang mga pamilya natin. Natututo tayo mag adjust kahit napakahirap nun mga p

It's all about the way you want it.

Image
 Guys, kahit na anong mangyare, kahit ilang beses tayo mag fail sa buhay. Kahit ilang promotionpa tayo madissapoint at kahit ilang taon pa tayo mag barko. Everything will be fine. However, dapat sa lahat ng sitwasyon dapat alam mo kung ano ginagawa mo. Be prepared and plan everything. Kahit na kadalasan eh hindi nasusunod ung mga plano natin sa buhay, atleast may plan ka. At yung mga nangyayari sa buhay mo eh malapit sa plan mo. Plans can be rearrange guys. Di naman porke nga may plano ka na eh yun kaagad ung mangyayare, Matuto lang tayo mag adjust sa buhay.. At tandahan lagi natin i-track yung progress natin. Dapat alam natin na nag iimprove tayo, dapat alam natin ung weaknesses and strengths natin at kung saan natin ito magagamit sa buhay natin.. Thanks for reading guys..

Loading ng steel coils sa Japan (Royal Harmony)

Image
Sa mga pictures guys, makikita nyo naman na magloloading kami ng steel coils.. Bale nasa Kashima,Japan pala kami neto at inabot kami ng 10 days para iloading to.. Di naman humihinto loading dahil sa ulan at lagi lang naka-open bodega namin sa 10 days na yun... Kita nyo naman na kinalawang na ung mga steel coils diba, di kasi talaga nag sasara ng bodega nun. Yung mga stevedores na Japanese talagang dekalidad sa pag-gawa o paglalagay nung mga steel coils. Ingat na ingat sila na hindi sana ma-damage yung mga coils at lalo na ung barko namin... kasi nga ung weight ng steel coils ay masyadong concentrated sa isang lugar di tulad ng grains or ung mga dirty cargoes.. Mapa umaga o gabi dire diretso lang sa pag kakarga mga stevedores sa Kashima. May mga pwerto kasi na pag ka gabi.. tigil ang loading pero dito hindi.. Tumigil ang loading nun nang mga ilang araw kasi nga nauubusan sila ng steel coils na ikakarga.. Ang bilis talaga gumawa ng mga Japanese Lastly guys, napakalinis talaga sa Japa